VIDEO: Manyak na surgeon, nag-alok ng drugs kapalit ng oral sex!

Isang surgeon, nademanda para sa pakikipagpalit ng mga prescription drugs, para sa oral sex!

Isang doktor sa Texas ang naakusahan ng pagpapalit ng mga prescription drugs, para sa mga sexual favors! Siya ngayon ay dinedemanda, at maaring matanggal ang kanyang medical license.

Ito ang St. Joseph’s Hospital chief of academic surgery na si Dr. Thomas V. Taylor. Ang 71-year-old na doktor ay tatlumpung taon nang nagsasagawa ng bariatrics at gastrointestinal surgery. Siya ang namamahal sa isang weight loss klinik sa 11th floor ng ospital.

Noong isang buwan, gumamit ng hidden camera ang illang mga pasyente, para makunan itong si Dr. Taylor, na inexamine ang kanyang pasyente, na nagsagawa ng lap band surgery, na kanya ring binigyan ng mga drugs para ma-addict ito…at ngayong nanghihina at nangangailangan ng drugs ang pasyente, ay hiniling ni Dr. Taylor na magsagawa ito ng mga sexual favors, kapalit ng drugs. Ang dalawang pasyenteng kumuha ng video ang nauna sa pag-file ng isang civil lawsuit, at humihingi ng mahigit 100,000 dollars.

Hindi namin maipakita sa inyo ang buong video…pero ang hiniling ng doktor mula sa kanyang pasyente ay lampas pa sa pagiging unethical.

Mula noong Setyembre, ang dalawang pasyenteng ito ay nabigyan ng dalawang daan at animnapung Norco pills, at isang daan at dalawampung Xanax pills – mga malalakas na pain relievers.

Temporaryong sinuspinde ng Texas Medical Board ang medical license ni Dr. Taylor noong Biyernes. Naniniwala si Attorney Peter Schneider na tumakas na mula sa US ang doktor.


Sino sa tingin niyo ang mananalo sa demandahang ito, ay dapat bang payagang mag-practice ng medicine si Dr. Taylor? Mag-iwan ng opinyon sa comments.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

You might also like:



Like the Post? Do share with your Friends.


No comments:

Post a Comment