Ang babaeng ito ba ay masyadong seksi para sa kanyang trabaho – o masyadong relihiyoso ang Turkish Airlines?
Si Zuhal Sengul ay isang flight attendant para sa Turkish Airlines – hanggang sa nahuli ng kanyang mga boss na nagsa-sideline pala siya, bilang model ng mga gothic outfits, at star ng mga music videos.
Ito ngayon ang tanong: aling parte ng desisyon ng Turkish Airlines na patalsikin sa trabaho si Sengul, ang naimpluwensiyahan ng Islamic customs?
Walang makakatanggi na ang Turkey ay isang konserbatibo at relihiyosong bansa – ito ay ayon sa presidente ng labor union ng airline na si Atilay Aycin.
Noong isang taon, binan ng Turkish Airlines ang paggamit ng pulang lipstick at nail polish, na maaring mapahamak ang “visual integrity” ng kanilang staff. Binawi nila ang ban, matapos pagkaguluhan sa social media ang issue.
Noong Pebrero, binan naman ng airlines ang alcohol at alak sa mga domestic flights, at mga flights na papunta saw along Islamic na bansa na hindi nagse-serve ng alak.
Ngayon, ay pinatalsik ng Turkish Airlines sa trabaho si Sengal, matapos makita ng management ang mga seksing litrato ng babae sa isang Italian magazine.
Tama ba ang desisyong ito ng Turkish Airlines, na sumunod sa konserbatibong pananaw ng Islam, o mali ang pagpapaalis nila sa isang flight attendant na ang kasalanan lang ay ang pagkakaroon ng sideline na may pagka-seksi? Mag-iwan ng opinyon sa comments.
Communications Director, nawalan ng trabaho dahil sa negatibong comments na kanyang binitawan tungkol sa mga anak ni Obama!
Ano nga ba ang sinasabi sa Bibliya, tungkol sa pagtanggal ng kahoy mula sa inyong mga mata, bago kayo mamintas ng salubsob? Anyway…si Elizabeth Lauten ay isang communications director, na hindi marunong mag-communicate!
Nagtrabaho siya para sa isang Tennessee Republican Representative, pero hindi niya matanggap ang kasuotan at pag-uugali ng mga anak na babae ni Obama, sa Thanksgiving turkey pardoning ceremony sa taong ito – kaya nagbitaw siya ng masamang statement sa Facebook.
Ganito ang kanyang sinulat, na pinaikli namin: “Irespeto ang inyong lugar…pero kung tutuusin ay hindi nirerespero ng inyong mga magulang ang kanilang mga posisyon…kaya mukhang wala kayong magagandang role model…manamit nang maayos para makakuha ng respeto…at hindi parang papunta kayo sa bar.”
Maraming na-offend sa sinabi ni Lauten – pero hindi pa diyan nagtatapos ang insidente. Mabilis na nalaman ng mga tao, na noong 17 years old si Lauten, noong year 2000 – ay naaresto siya para sa shoplifting. Noong siya ay 19, ay nabigyan siya ng tiket para sa speeding at running a red light.
Nakalusot siya sa shoplifting bilang first-time offender, at hindi naman malalang krimen ang traffic ticket…pero masasabi nating hindi rin siya isang model teenager.
Ayon kay Lauten, nagdasal siya ng ilang oras, bago siya umabot sa desisyong nagkamali siya at humingi ng paumanhin. Napatawad man siya ng Diyos, pero hindi ng Internet. Nag-resign siya, at ayon sa isang White House official, off-limits dapat ang mga anak ng presidente…lalo na pagdating sa mga ipokrito at ipokrita!
Lalake, inasulto ang isang babaeng tumangging ibigay sa kanya ang phone number!
Isang lalake sa Chicago ang umatake sa isang babae, na tinangka rin niyang nakawan, matapos tumanggi ang babae na ibigay sa lalake ang kanyang phone number sa tren.
Hiningi ng 24-year-old na si Denzel Rosson ang phone number ng isang 21-year-old na babae, sa L train, Lunes ng gabi. Tumanggi ang babae, at lumipat sa kabilang tren…sinundan siya ng lalake.
Nang bumaba ang babe sa Roosevelt Station, sinundan siya ni Rosson hanggang sa South Wabash Avenue.
Sinubukan ng babae na tumawag sa pulis, pero na-headlock siya ni Rosson, na sinuntok din siya sa mukha, at tinangkang nakawin ang kanyang telepono at bag, bago ito tumakbong paalis.
Nagtago si Rosson sa isang nalalapit na restaurant, kung saan siya ay naaresto, makalipas ang ilang minuto. Siya ay nakasuhan ng btattery at attempted robbery.
Lalake, binangga ang McLaren P1, wala pang isang araw matapos niyang bilhin ang mamahaling sasakyan!
Ito ang McLaren P1. Dahil sa kanyang twin 903 horsepower turbocharged V8 engine, ay isa ito sa pinaka-exciting na supercars sa buong mundo. Maari itong mag-accelerate mula 0 hanggang 60 miles per hour, nang wala pang tatlogn segundo.
Tingnan natin kung ano ang nangyari sa napakagandang sasakyang ito, nang pinick up ito ng isang 27-year-old na lalake sa Dallas.
Miyerules ng umaga, wala pang isang araw mula nang makuha niya ang susi ng kotse, ay nai-crash niya ang P1 habang nagmamaneho siya sa McKinnon Street. Nawalan daw siya ng kontrol, at bumangga sa isang guardrail sa gilid ng kalsada.
Malaki-laking gastos ang pagpapaayos sa kotseng ito. Buti na lang, at may carbon fibre monocoque ang McLaren P1, at nagawa nitong protektahan ang driver at ang kanyang 24-year-old na pasahero. Nagkaroon lamang sila ng minor injuries at dinala sa Parkland Hospital.
Sana ay pinaggastusan muna ang lalaking ito ang driving lessons bago siya bumili ng napakamahal na kotseng hindi pala niya kayang imaneho!
Wrongful death trial, nagsimula na para sa isang lalaking naluto at namatay!
Noong December 2010, sa Inglaterra, ay namatay sa isang katakot-takot na paraan si Alan Catterall, nang siya ay naluto sa loob ng isang giant oven.
Si Alan, na 54 years old, ay nagta-trabaho sa Pyranha Mouldings company, at pinapunta siya sa isa sa mga industrial ovens, dala ang isang crowbar, para linisin ang loob nito. Ang mga hurnong ito ay maaring umabot sa init na may 530 degrees Fahrenheit, o 276 degrees Celsius. Isa pang employado, na hindi alam na nasa loob pa ng hurno si Alan, ang nag-activate sa hurno, na automatic na nai-lock ang mga pinto.
Walang nakarinig sa mga sigaw ni Alan, dahil maingay sa loob ng pabrika – at nalaman na lang ng ibang mga workers na may problema sa hurno, nang umusok na ito.
Nakasuhan ang kompanya ng gross negligence, at multiple health at safety violations.
Halos apat na taon matapos mamatay ang kawawang employado, ay mabibigyan na rin ng hustisya ang nangyari sa kanya, sa wakas.
Mga magulang, pinatay ang sarili nilang anak na babae – dahil nagkamali ito sa pagpili sa lalaking kanyang pinakasalan!
Ito si Bhavna Yadav, 21 years old, isang honors student sa New Delhi University. Siya ay matalino, at galing sa mabuting pamilya…isang pamilya na siyang nagtapos sa maikli niyang buhay.
Noong isang buwan, pinakasalan ni Bhavna ang lalaking minamahal niya sa isang sikretong seremonyas, dahil alam niyang hindi boto ang pamilya niya sa kasalang ito – dahil ang lalake ay isang Punjabi, at mababa ang posisyon kumpara sa kanyang pamilya.
Nang sinabihan nila ang pamilya ni Bhavna na sila’y ikinasal, ginulpi si Bhavna ng kanyang mga magulang, bago siya pinalayas at sinabihang huwag nang babalik. Pero makalipas ang ilang araw, ay binawi nila ang kanilang sinabi, at niyaya si Bhavna na umuwi para mapag-usapan nila ang mga nangyari.
Natuwa si Bhavna na pumayag na makipagkitang muli ang kanyang mga magulang, pero gusto lang pala nilang patayin si Bhavna! Sinakal nila si Bhavna, dinala ang bangkay ng babae sa kanilang bayan, at tinangka itong sunugin.
Nang hindi siya makontak ng kanyang asawa, at sinabihan siya ng magulang ni Bhavna na huwag silang puntahan dahil siya ay Punjabi, ay tumawag sa pulis ang lalake.
Habang kausap ang pulis, ay inamin ng mga magulang ni Bhavna ang kanilang ginawa, at iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ito nga ba ay isang honor killing.
Tatlong Brazilian, na mahilig kumain ng tao, nagpakita sa korte makalipas ang dalawang taon.
Sisimulan na saw akas ang trial ni Jorge Silveira, at ang kanyang asawa’t kerida, para sa muder ng dalawang babae – ang katawan ng mga ito ay nakalibing sa bakuran ng bahay ng pamilya.
Ang pinakanakakasindak na parte ng kuwentong ito, ay hindi lang nila pinatay ang kanilang mga biktima – kinain din nila ang mga ito! Gumawa sila ng mga meat pastries, gamit ang laman ng mga biktima, at ibinigay ang mga pagkain sa mga kapitbahay, at binenta din nila ito sa mga eskuwelahan at ospital. Sinabi nila sa mga tao na ang mga meat pastries ay gawa sa tuna at chicken.
Inakit nila ang mga babae sa kanilang bahay, sa pag-alok ng trabaho bilang nanny, o yaya.
Sa oras ng pag-aresto sa kanila, ay may isang limang taong gulang na bata na nakatira sa kanilang bahay. Ayon sa pulis, maaring anak ito ng isang babaeng pinatay ng pamilya noong 2008. Nahuli ng pulis ang pamilya, nang tinangka nilang gamitin ang credit card ng isa sa mga biktima.
Kabilang sa mga kagamitang natagpuan sa bahay nila ay isang librong may limampung pahina, na sinulat ni Jorge, tungkol sa mga boses na naririnig niya sa kanyang utak, ang kanyang obsession sa pagpatay sa mga babae, at ang kulto ng kanilang pamilya, na naniniwala sa pagbawas sa bilang ng mga tao sa mundo.
Kapag sila ay nahatulan ng guilty, ay maari silang makulong ng tatlumpung taon.
Baby stroller, rumolyo pababa sa train platform, papunta sa riles ng tren!
Ini-release ng transit authorities sa Melbourne, Australia ang surveillance video na ito, kung saan isang toddler na nakasakay sa baby stroller ang nahulog sa tiles ng tren, sa Diamond Creek Station.
Nahulog ang 18-month na batang babae, mula sa platform na may one meter ang taas, at tumama ang kanyang mukha sa riles.
Isang lalaking pinaniniwalaang lolo ng bata ang tumalon sa riles, at tinulungan siya ng ibang mga tao. Buti na lang at walang tren na pumasok sa station, habang nangyayari ang lahat ng ito.
Naligtas ang bata, nang may minor injuries lamang sa kanyang mukha. Dinala siya sa ospital at siya ngayon ay nasa stable na kondisyon.
Nag-issue ng warning ang Metro Trains Melbourne para sa mga pasahero, na mag-ingat habang sila ay nasa platform, lalo na kapag may mga baby sila na nakasakay sa mga stroller.
May problema ang Melbourne, pagdating sa mga baby na nahuhulog mula sa mga train platforms. Noong Setyembre, isang baby ang rumolyo pababa mula sa isang platform dahil hindi nag-ingat ang kanyang ina, sa Camberwell station.
Noong 2009, isang 6-month-old na baby boy ang naligtas matapos siyang mahulog mula sa platform, nang saktong may papasok na tren sa station. Nangyari din ito sa Melbourne.
Video, ipinapakita ang sandaling pinatay si Tugce Albayrak ng isang Serbian teenager!
Nakunan ng security camera sa McDonald’s ang bayolenteng asulto, na nauwi sa kamatayan ng 22-year-old na Turkish-German student na si Tugce Albayrak.
Ang lalaking ito – ang 18-year-old Serbian national na si Sanel M – na ngayon ay nasa kamay na ng mga awtoridad – ang umamin sa kanyang parte sa attack.
Ang footage na nakunan sa parking lot ng isang McDonald’s noong November 15 ang nagpapakita sa isang lalake, na pinipigilan si Sanel M, na desididong saktan si Albayrak. Hindi nagpaawat si Sanel M, at natamaan niya ng baseball bat ang ulo ni Albayrak, na nawalan ng malay – at hindi na muling nagising.
Nang sinabihan sila na wala nang magagawa ang mga doktor para sa kanilang anak, ay tinerminate ng magulang ni Albayrak ang life support noong November 23 – na sana ay 23rd birthday ni Tugce.
Isang ina, bumili ng computer para sa kanyang mga anak – pero puno pala ang hard drive nito ng PORN!
Noong isang buwan, sa Guangzhou, isang babaeng nagngangalang Ding ang bumili ng isang used computer para magamit bilang educational tool ng apat niyang anak, na nasa 2 hanggang 11 years old. Dapat sana ay chineck niya muna ang laman ng hard drive ng computer, bago niya ito ibinigay sa mga bata.
Mahaba-haba rin ang oras ng trabaho ni Ding, kaya natuwa siya at mukhang nahilig ang mga anak niya sa kanyang regalo. Dumaan ang isa pang buwan, bago niya nahuli ang apat na bata, na nanonood ng porn sa computer!
Tinanong ni Ding ang kanyang biyenan, na madalas na nakakasama ang mga bata habang wala siya sa bahay, kung ano ang nangyayari. Napailing ang matanda, at sinabing hindi niya naiintindihan ang mga bagong teknolohiya ngayon – pero napansin niyang araw-araw na nanonood ng computer ang mga bata, itong nakaraang buwan.
Agad na kinuha ni Ding ang computer mula sa mga bata, pero hindi niya mabura ang nilalaman ng hard drive. Galit siyang bumalik sa tindahan kung saan niya nabili ang computer, at ipinaliwanag sa kanya ng manager na dahil ito ay used computer, posibleng ang nagma-may-air nito noon ang naglagay ng mg apron videos sa hard drive. Ang “kid-friendly” computer ay walang internet port o wireless capability, kaya imposibleng ang mga anak ni Ding ang nag download ng mga video.
Na-educate nga ang mga anak ni Ding...hindi nga lang gaya ng kanyang inaasahan!
Porn company Vivid, hawak daw ang sex tape ni Iggy Azalea!
Idedemanda daw ng Australian rapping diva na si Iggy Azalea ang adult entertainment company Vivid, kapag pinublish nito ang sex tape ni Iggy at ng kanyang ex-boyfriend.
Ang Vivid ang nag-release ng sex tape ni Kim Kardashian noon, at ngayon ay gusto nilang magkaroon ng deal kasama si Iggy para mai-release ang video.
Ilang linggo lamang ang nakalipas, matapos magkalat ang mga hubad na litrato mula sa iCloud accounts ng mga artista sa Internet; nabalitaan natin na kabilang sa mga litratong iyon ay ang mga litrato ni Iggy at ng kanyang kasalukuyang boyfriend, na nag-se-sex.
Hindi pala iyon tutoo. Pero ang bagong footage sa kamay ng Vivid ay mukhang authentic.
In-announce ng Vivid noong isang linggo na nakuha nila ang sex tape ni Iggy. Inalok ng Vivid CEO na si Steven Hirsch na makipag-negotiate sa kanila si Iggy, para pareho nilang pagkakitaan ang sex tape. Pero ang sabi ni Iggy, ay wala siyang sex tape.
Hanggang sa tumawag ang ex-boyfriend ni Iggy sa TMZ, at kinumpirmang tutoo ang sex tape!
Ang ex, na si Jefe (Hefe) Wine, ay isang ring rapper, at ayon sa kanya ay nanakaw ang kanyang computer at maaring na-hack noong siya ay nasa Miami. At hindi gaya ni Iggy, si Jefe (Hefe) ay interesadong makipag-usap sa Vivid.
Ayon sa legal team ni Iggy, ang sex tape ay revenge porn. Binalaan nila ang Vivid na si iggy ay underage noong kinunan ang video, kung siya nga ang nasa video. Ayon kay Jefe (Hefe), legal na si Iggy noong nagkakilala sila, at ang video ay ‘legit.