Ito ang McLaren P1. Dahil sa kanyang twin 903 horsepower turbocharged V8 engine, ay isa ito sa pinaka-exciting na supercars sa buong mundo. Maari itong mag-accelerate mula 0 hanggang 60 miles per hour, nang wala pang tatlogn segundo.
Tingnan natin kung ano ang nangyari sa napakagandang sasakyang ito, nang pinick up ito ng isang 27-year-old na lalake sa Dallas.
Miyerules ng umaga, wala pang isang araw mula nang makuha niya ang susi ng kotse, ay nai-crash niya ang P1 habang nagmamaneho siya sa McKinnon Street. Nawalan daw siya ng kontrol, at bumangga sa isang guardrail sa gilid ng kalsada.
Malaki-laking gastos ang pagpapaayos sa kotseng ito. Buti na lang, at may carbon fibre monocoque ang McLaren P1, at nagawa nitong protektahan ang driver at ang kanyang 24-year-old na pasahero. Nagkaroon lamang sila ng minor injuries at dinala sa Parkland Hospital.
Sana ay pinaggastusan muna ang lalaking ito ang driving lessons bago siya bumili ng napakamahal na kotseng hindi pala niya kayang imaneho!
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH