VIDEO: Baby, nahulog mula sa stroller sa riles ng tren sa Melbourne, Australia!

Baby stroller, rumolyo pababa sa train platform, papunta sa riles ng tren!

Ini-release ng transit authorities sa Melbourne, Australia ang surveillance video na ito, kung saan isang toddler na nakasakay sa baby stroller ang nahulog sa tiles ng tren, sa Diamond Creek Station.

Nahulog ang 18-month na batang babae, mula sa platform na may one meter ang taas, at tumama ang kanyang mukha sa riles.

Isang lalaking pinaniniwalaang lolo ng bata ang tumalon sa riles, at tinulungan siya ng ibang mga tao. Buti na lang at walang tren na pumasok sa station, habang nangyayari ang lahat ng ito.

Naligtas ang bata, nang may minor injuries lamang sa kanyang mukha. Dinala siya sa ospital at siya ngayon ay nasa stable na kondisyon.

Nag-issue ng warning ang Metro Trains Melbourne para sa mga pasahero, na mag-ingat habang sila ay nasa platform, lalo na kapag may mga baby sila na nakasakay sa mga stroller.

May problema ang Melbourne, pagdating sa mga baby na nahuhulog mula sa mga train platforms. Noong Setyembre, isang baby ang rumolyo pababa mula sa isang platform dahil hindi nag-ingat ang kanyang ina, sa Camberwell station.

Noong 2009, isang 6-month-old na baby boy ang naligtas matapos siyang mahulog mula sa platform, nang saktong may papasok na tren sa station. Nangyari din ito sa Melbourne.






For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

You might also like:



Like the Post? Do share with your Friends.