Ano nga ba ang sinasabi sa Bibliya, tungkol sa pagtanggal ng kahoy mula sa inyong mga mata, bago kayo mamintas ng salubsob? Anyway…si Elizabeth Lauten ay isang communications director, na hindi marunong mag-communicate!
Nagtrabaho siya para sa isang Tennessee Republican Representative, pero hindi niya matanggap ang kasuotan at pag-uugali ng mga anak na babae ni Obama, sa Thanksgiving turkey pardoning ceremony sa taong ito – kaya nagbitaw siya ng masamang statement sa Facebook.
Ganito ang kanyang sinulat, na pinaikli namin: “Irespeto ang inyong lugar…pero kung tutuusin ay hindi nirerespero ng inyong mga magulang ang kanilang mga posisyon…kaya mukhang wala kayong magagandang role model…manamit nang maayos para makakuha ng respeto…at hindi parang papunta kayo sa bar.”
Maraming na-offend sa sinabi ni Lauten – pero hindi pa diyan nagtatapos ang insidente. Mabilis na nalaman ng mga tao, na noong 17 years old si Lauten, noong year 2000 – ay naaresto siya para sa shoplifting. Noong siya ay 19, ay nabigyan siya ng tiket para sa speeding at running a red light.
Nakalusot siya sa shoplifting bilang first-time offender, at hindi naman malalang krimen ang traffic ticket…pero masasabi nating hindi rin siya isang model teenager.
Ayon kay Lauten, nagdasal siya ng ilang oras, bago siya umabot sa desisyong nagkamali siya at humingi ng paumanhin. Napatawad man siya ng Diyos, pero hindi ng Internet. Nag-resign siya, at ayon sa isang White House official, off-limits dapat ang mga anak ng presidente…lalo na pagdating sa mga ipokrito at ipokrita!
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH