Ito si Bhavna Yadav, 21 years old, isang honors student sa New Delhi University. Siya ay matalino, at galing sa mabuting pamilya…isang pamilya na siyang nagtapos sa maikli niyang buhay.
Noong isang buwan, pinakasalan ni Bhavna ang lalaking minamahal niya sa isang sikretong seremonyas, dahil alam niyang hindi boto ang pamilya niya sa kasalang ito – dahil ang lalake ay isang Punjabi, at mababa ang posisyon kumpara sa kanyang pamilya.
Nang sinabihan nila ang pamilya ni Bhavna na sila’y ikinasal, ginulpi si Bhavna ng kanyang mga magulang, bago siya pinalayas at sinabihang huwag nang babalik. Pero makalipas ang ilang araw, ay binawi nila ang kanilang sinabi, at niyaya si Bhavna na umuwi para mapag-usapan nila ang mga nangyari.
Natuwa si Bhavna na pumayag na makipagkitang muli ang kanyang mga magulang, pero gusto lang pala nilang patayin si Bhavna! Sinakal nila si Bhavna, dinala ang bangkay ng babae sa kanilang bayan, at tinangka itong sunugin.
Nang hindi siya makontak ng kanyang asawa, at sinabihan siya ng magulang ni Bhavna na huwag silang puntahan dahil siya ay Punjabi, ay tumawag sa pulis ang lalake.
Habang kausap ang pulis, ay inamin ng mga magulang ni Bhavna ang kanilang ginawa, at iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ito nga ba ay isang honor killing.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH