Sisimulan na saw akas ang trial ni Jorge Silveira, at ang kanyang asawa’t kerida, para sa muder ng dalawang babae – ang katawan ng mga ito ay nakalibing sa bakuran ng bahay ng pamilya.
Ang pinakanakakasindak na parte ng kuwentong ito, ay hindi lang nila pinatay ang kanilang mga biktima – kinain din nila ang mga ito! Gumawa sila ng mga meat pastries, gamit ang laman ng mga biktima, at ibinigay ang mga pagkain sa mga kapitbahay, at binenta din nila ito sa mga eskuwelahan at ospital. Sinabi nila sa mga tao na ang mga meat pastries ay gawa sa tuna at chicken.
Inakit nila ang mga babae sa kanilang bahay, sa pag-alok ng trabaho bilang nanny, o yaya.
Sa oras ng pag-aresto sa kanila, ay may isang limang taong gulang na bata na nakatira sa kanilang bahay. Ayon sa pulis, maaring anak ito ng isang babaeng pinatay ng pamilya noong 2008. Nahuli ng pulis ang pamilya, nang tinangka nilang gamitin ang credit card ng isa sa mga biktima.
Kabilang sa mga kagamitang natagpuan sa bahay nila ay isang librong may limampung pahina, na sinulat ni Jorge, tungkol sa mga boses na naririnig niya sa kanyang utak, ang kanyang obsession sa pagpatay sa mga babae, at ang kulto ng kanilang pamilya, na naniniwala sa pagbawas sa bilang ng mga tao sa mundo.
Kapag sila ay nahatulan ng guilty, ay maari silang makulong ng tatlumpung taon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH