Flight attendant, pinaalis sa Turkish Airlines, dahil masyadong seksi!

Ang babaeng ito ba ay masyadong seksi para sa kanyang trabaho – o masyadong relihiyoso ang Turkish Airlines?

Si Zuhal Sengul ay isang flight attendant para sa Turkish Airlines – hanggang sa nahuli ng kanyang mga boss na nagsa-sideline pala siya, bilang model ng mga gothic outfits, at star ng mga music videos. 

Ito ngayon ang tanong: aling parte ng desisyon ng Turkish Airlines na patalsikin sa trabaho si Sengul, ang naimpluwensiyahan ng Islamic customs?

Walang makakatanggi na ang Turkey ay isang konserbatibo at relihiyosong bansa – ito ay ayon sa presidente ng labor union ng airline na si Atilay Aycin.

Noong isang taon, binan ng Turkish Airlines ang paggamit ng pulang lipstick at nail polish, na maaring mapahamak ang “visual integrity” ng kanilang staff. Binawi nila ang ban, matapos pagkaguluhan sa social media ang issue.

Noong Pebrero, binan naman ng airlines ang alcohol at alak sa mga domestic flights, at mga flights na papunta saw along Islamic na bansa na hindi nagse-serve ng alak.

Ngayon, ay pinatalsik ng Turkish Airlines sa trabaho si Sengal, matapos makita ng management ang mga seksing litrato ng babae sa isang Italian magazine.

Tama ba ang desisyong ito ng Turkish Airlines, na sumunod sa konserbatibong pananaw ng Islam, o mali ang pagpapaalis nila sa isang flight attendant na ang kasalanan lang ay ang pagkakaroon ng sideline na may pagka-seksi? Mag-iwan ng opinyon sa comments.





For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH


You might also like:



Like the Post? Do share with your Friends.