Lalake, sumindi ng marijuana at nagkalat ng tae sa police station!

Lalake, sumindi ng marijuana, at nagkalat ng tae sa pader ng police station!

Si Carlen Higgs ay nanggulo na naman, as usual, noong December 14. Dahil may mahaba siyang criminal history, ay isa na siyang pamilyar na mukha sa Upper Darby, Delaware police station. Pero marami paring nagulat nang sumindi si Higgs ng marijuana sa lobby ng police station. Siya ay naaresto, at doon nagsimula ang gulo.

Hinagis ng pulis si Higgs sa isang jail cell, kung saan siya naglabas ng sama ng loob…

At nang inakala niyang tapos na sa paglabas ng sama ng loob si higgs…ay may natitira pa pala…na pilit niyang inilabas nang todo…

Dinala si Higgs sa isang mental health na pasilidad, kung saan nalaman nila na si Higgs pala ay – surprise! – high sa droga.

Buti na lang ay may sense of humor ang arresting officer.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH



VIDEO: Manyak na surgeon, nag-alok ng drugs kapalit ng oral sex!

Isang surgeon, nademanda para sa pakikipagpalit ng mga prescription drugs, para sa oral sex!

Isang doktor sa Texas ang naakusahan ng pagpapalit ng mga prescription drugs, para sa mga sexual favors! Siya ngayon ay dinedemanda, at maaring matanggal ang kanyang medical license.

Ito ang St. Joseph’s Hospital chief of academic surgery na si Dr. Thomas V. Taylor. Ang 71-year-old na doktor ay tatlumpung taon nang nagsasagawa ng bariatrics at gastrointestinal surgery. Siya ang namamahal sa isang weight loss klinik sa 11th floor ng ospital.

Noong isang buwan, gumamit ng hidden camera ang illang mga pasyente, para makunan itong si Dr. Taylor, na inexamine ang kanyang pasyente, na nagsagawa ng lap band surgery, na kanya ring binigyan ng mga drugs para ma-addict ito…at ngayong nanghihina at nangangailangan ng drugs ang pasyente, ay hiniling ni Dr. Taylor na magsagawa ito ng mga sexual favors, kapalit ng drugs. Ang dalawang pasyenteng kumuha ng video ang nauna sa pag-file ng isang civil lawsuit, at humihingi ng mahigit 100,000 dollars.

Hindi namin maipakita sa inyo ang buong video…pero ang hiniling ng doktor mula sa kanyang pasyente ay lampas pa sa pagiging unethical.

Mula noong Setyembre, ang dalawang pasyenteng ito ay nabigyan ng dalawang daan at animnapung Norco pills, at isang daan at dalawampung Xanax pills – mga malalakas na pain relievers.

Temporaryong sinuspinde ng Texas Medical Board ang medical license ni Dr. Taylor noong Biyernes. Naniniwala si Attorney Peter Schneider na tumakas na mula sa US ang doktor.


Sino sa tingin niyo ang mananalo sa demandahang ito, ay dapat bang payagang mag-practice ng medicine si Dr. Taylor? Mag-iwan ng opinyon sa comments.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH



Flight attendant, pinaalis sa Turkish Airlines, dahil masyadong seksi!

Ang babaeng ito ba ay masyadong seksi para sa kanyang trabaho – o masyadong relihiyoso ang Turkish Airlines?

Si Zuhal Sengul ay isang flight attendant para sa Turkish Airlines – hanggang sa nahuli ng kanyang mga boss na nagsa-sideline pala siya, bilang model ng mga gothic outfits, at star ng mga music videos. 

Ito ngayon ang tanong: aling parte ng desisyon ng Turkish Airlines na patalsikin sa trabaho si Sengul, ang naimpluwensiyahan ng Islamic customs?

Walang makakatanggi na ang Turkey ay isang konserbatibo at relihiyosong bansa – ito ay ayon sa presidente ng labor union ng airline na si Atilay Aycin.

Noong isang taon, binan ng Turkish Airlines ang paggamit ng pulang lipstick at nail polish, na maaring mapahamak ang “visual integrity” ng kanilang staff. Binawi nila ang ban, matapos pagkaguluhan sa social media ang issue.

Noong Pebrero, binan naman ng airlines ang alcohol at alak sa mga domestic flights, at mga flights na papunta saw along Islamic na bansa na hindi nagse-serve ng alak.

Ngayon, ay pinatalsik ng Turkish Airlines sa trabaho si Sengal, matapos makita ng management ang mga seksing litrato ng babae sa isang Italian magazine.

Tama ba ang desisyong ito ng Turkish Airlines, na sumunod sa konserbatibong pananaw ng Islam, o mali ang pagpapaalis nila sa isang flight attendant na ang kasalanan lang ay ang pagkakaroon ng sideline na may pagka-seksi? Mag-iwan ng opinyon sa comments.





For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH




White House staff, nawalan ng trabaho matapos pintasan ang mga anak ni Obama!

Communications Director, nawalan ng trabaho dahil sa negatibong comments na kanyang binitawan tungkol sa mga anak ni Obama!

Ano nga ba ang sinasabi sa Bibliya, tungkol sa pagtanggal ng kahoy mula sa inyong mga mata, bago kayo mamintas ng salubsob? Anyway…si Elizabeth Lauten ay isang communications director, na hindi marunong mag-communicate!

Nagtrabaho siya para sa isang Tennessee Republican Representative, pero hindi niya matanggap ang kasuotan at pag-uugali ng mga anak na babae ni Obama, sa Thanksgiving turkey pardoning ceremony sa taong ito – kaya nagbitaw siya ng masamang statement sa Facebook.

Ganito ang kanyang sinulat, na pinaikli namin: “Irespeto ang inyong lugar…pero kung tutuusin ay hindi nirerespero ng inyong mga magulang ang kanilang mga posisyon…kaya mukhang wala kayong magagandang role model…manamit nang maayos para makakuha ng respeto…at hindi parang papunta kayo sa bar.”

Maraming na-offend sa sinabi ni Lauten – pero hindi pa diyan nagtatapos ang insidente. Mabilis na nalaman ng mga tao, na noong 17 years old si Lauten, noong year 2000 – ay naaresto siya para sa shoplifting. Noong siya ay 19, ay nabigyan siya ng tiket para sa speeding at running a red light.

Nakalusot siya sa shoplifting bilang first-time offender, at hindi naman malalang krimen ang traffic ticket…pero masasabi nating hindi rin siya isang model teenager.

Ayon kay Lauten, nagdasal siya ng ilang oras, bago siya umabot sa desisyong nagkamali siya at humingi ng paumanhin. Napatawad man siya ng Diyos, pero hindi ng Internet. Nag-resign siya, at ayon sa isang White House official, off-limits dapat ang mga anak ng presidente…lalo na pagdating sa mga ipokrito at ipokrita!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH



Lalake, sinuntok ang babaeng ayaw na ibigay sa kanya ang phone number!

Lalake, inasulto ang isang babaeng tumangging ibigay sa kanya ang phone number!

Isang lalake sa Chicago ang umatake sa isang babae, na tinangka rin niyang nakawan, matapos tumanggi ang babae na ibigay sa lalake ang kanyang phone number sa tren.

Hiningi ng 24-year-old na si Denzel Rosson ang phone number ng isang 21-year-old na babae, sa L train, Lunes ng gabi. Tumanggi ang babae, at lumipat sa kabilang tren…sinundan siya ng lalake.

Nang bumaba ang babe sa Roosevelt Station, sinundan siya ni Rosson hanggang sa South Wabash Avenue.

Sinubukan ng babae na tumawag sa pulis, pero na-headlock siya ni Rosson, na sinuntok din siya sa mukha, at tinangkang nakawin ang kanyang telepono at bag, bago ito tumakbong paalis.

Nagtago si Rosson sa isang nalalapit na restaurant, kung saan siya ay naaresto, makalipas ang ilang minuto. Siya ay nakasuhan ng btattery at attempted robbery.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH



Lalake, binangga ang McLaren P1, wala pang isang araw matapos itong bilhin!

Lalake, binangga ang McLaren P1, wala pang isang araw matapos niyang bilhin ang mamahaling sasakyan!

Ito ang McLaren P1. Dahil sa kanyang twin 903 horsepower turbocharged V8 engine, ay isa ito sa pinaka-exciting na supercars sa buong mundo. Maari itong mag-accelerate mula 0 hanggang 60 miles per hour, nang wala pang tatlogn segundo.

Tingnan natin kung ano ang nangyari sa napakagandang sasakyang ito, nang pinick up ito ng isang 27-year-old na lalake sa Dallas.

Miyerules ng umaga, wala pang isang araw mula nang makuha niya ang susi ng kotse, ay nai-crash niya ang P1 habang nagmamaneho siya sa McKinnon Street. Nawalan daw siya ng kontrol, at bumangga sa isang guardrail sa gilid ng kalsada.

Malaki-laking gastos ang pagpapaayos sa kotseng ito. Buti na lang, at may carbon fibre monocoque ang McLaren P1, at nagawa nitong protektahan ang driver at ang kanyang 24-year-old na pasahero. Nagkaroon lamang sila ng minor injuries at dinala sa Parkland Hospital.

Sana ay pinaggastusan muna ang lalaking ito ang driving lessons bago siya bumili ng napakamahal na kotseng hindi pala niya kayang imaneho!






For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH




Lalake, nasunog at namatay sa loob ng isang giant oven sa UK!

Wrongful death trial, nagsimula na para sa isang lalaking naluto at namatay!

Noong December 2010, sa Inglaterra, ay namatay sa isang katakot-takot na paraan si Alan Catterall, nang siya ay naluto sa loob ng isang giant oven. 

Si Alan, na 54 years old, ay nagta-trabaho sa Pyranha Mouldings company, at pinapunta siya sa isa sa mga industrial ovens, dala ang isang crowbar, para linisin ang loob nito. Ang mga hurnong ito ay maaring umabot sa init na may 530 degrees Fahrenheit, o 276 degrees Celsius. Isa pang employado, na hindi alam na nasa loob pa ng hurno si Alan, ang nag-activate sa hurno, na automatic na nai-lock ang mga pinto.

Walang nakarinig sa mga sigaw ni Alan, dahil maingay sa loob ng pabrika – at nalaman na lang ng ibang mga workers na may problema sa hurno, nang umusok na ito.

Nakasuhan ang kompanya ng gross negligence, at multiple health at safety violations.

Halos apat na taon matapos mamatay ang kawawang employado, ay mabibigyan na rin ng hustisya ang nangyari sa kanya, sa wakas.






For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH