Noong December 2010, sa Inglaterra, ay namatay sa isang katakot-takot na paraan si Alan Catterall, nang siya ay naluto sa loob ng isang giant oven.
Si Alan, na 54 years old, ay nagta-trabaho sa Pyranha Mouldings company, at pinapunta siya sa isa sa mga industrial ovens, dala ang isang crowbar, para linisin ang loob nito. Ang mga hurnong ito ay maaring umabot sa init na may 530 degrees Fahrenheit, o 276 degrees Celsius. Isa pang employado, na hindi alam na nasa loob pa ng hurno si Alan, ang nag-activate sa hurno, na automatic na nai-lock ang mga pinto.
Walang nakarinig sa mga sigaw ni Alan, dahil maingay sa loob ng pabrika – at nalaman na lang ng ibang mga workers na may problema sa hurno, nang umusok na ito.
Nakasuhan ang kompanya ng gross negligence, at multiple health at safety violations.
Halos apat na taon matapos mamatay ang kawawang employado, ay mabibigyan na rin ng hustisya ang nangyari sa kanya, sa wakas.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH