Noong isang buwan, sa Guangzhou, isang babaeng nagngangalang Ding ang bumili ng isang used computer para magamit bilang educational tool ng apat niyang anak, na nasa 2 hanggang 11 years old. Dapat sana ay chineck niya muna ang laman ng hard drive ng computer, bago niya ito ibinigay sa mga bata.
Mahaba-haba rin ang oras ng trabaho ni Ding, kaya natuwa siya at mukhang nahilig ang mga anak niya sa kanyang regalo. Dumaan ang isa pang buwan, bago niya nahuli ang apat na bata, na nanonood ng porn sa computer!
Tinanong ni Ding ang kanyang biyenan, na madalas na nakakasama ang mga bata habang wala siya sa bahay, kung ano ang nangyayari. Napailing ang matanda, at sinabing hindi niya naiintindihan ang mga bagong teknolohiya ngayon – pero napansin niyang araw-araw na nanonood ng computer ang mga bata, itong nakaraang buwan.
Agad na kinuha ni Ding ang computer mula sa mga bata, pero hindi niya mabura ang nilalaman ng hard drive. Galit siyang bumalik sa tindahan kung saan niya nabili ang computer, at ipinaliwanag sa kanya ng manager na dahil ito ay used computer, posibleng ang nagma-may-air nito noon ang naglagay ng mg apron videos sa hard drive. Ang “kid-friendly” computer ay walang internet port o wireless capability, kaya imposibleng ang mga anak ni Ding ang nag download ng mga video.
Na-educate nga ang mga anak ni Ding...hindi nga lang gaya ng kanyang inaasahan!
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_c...
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH